Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mister nang-hostage ng 5 anak, pamangkin (Misis lumayas)

Mister nang-hostage ng 5 anak, pamangkin (Misis lumayas)

DAHIL sa labis na selos ng mister, ginawa niyang hostage ang kanyang limang maliliit na anak at isang pamangkin babae, mapauwi lamang ang kanyang misis na lumayas sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Umiiyak  at nagmamakaawa ang suspek  na si Emmanuel Palasol, 30-anyos, na bumalik na ang misis niya matapos siyang mapasuko ng mga awtoridad sa tatlong oras na negosasyon.

Sa ulat ng pulisya, dakong 8:30 ng gabi kamakalawa, nang ikulong ng suspek ang limang anak at pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa North Caloocan.

Humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga kaanak ng mga biktima at sinimulan ang negosasyon upang mapalaya ng mga hostage, kapalit ng pag-uwi ng kanyang misis na inaway dahil sa mayroon ka-text na ibang  lalaki.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng misis na itinago sa pangalang Mary, umalis siya ng kanilang bahay dahil  palaging nagseselos ang suspek dahil sa nabasang text mula sa isang kaanak na lalaki.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top