Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco, flattered sa mga papuri ni Nora

Coco, flattered sa mga papuri ni Nora

ni Vir Gonzales

VERY much flattered si Coco Martin sa mga papuring naririnig mula sa nag-iisang superstar Nora Aunor. Kasama niya ang aktres sa Padre de Pamilya.

Imagine, Nora Aunor ang pumupuri sa kanya at hindi sa kung sino-sino lang na aktres-aktresan. Isang premyadong artista at idol talaga ng actor. Mabuti na lang natuloy ang pagsasama ng dalawa.

Paboritong kapareha ni Coco si Julia Montes na siyang katambal niya sa pelikula na idinirehe niAdolf Alix.

Shows sa TV5, tinitigok kahit maganda

BAKIT ganoon, ang ganda ng show ni Aga Muhlach sa TV5 na tungkol sa mga travel pero biglang natigok sa ere? Ni hindi man lang umabot ng one year.

Kung sabagay, ‘yung Wowowillie nga hindi rin naman umabot bago magtapos ang taong 2013? Bakit kaya ganoon ang mga show sa TV5, madaling matigok kahit maganda?

Totoo bang maraming boss sa mga teleseryeng umaariba sa Cinco? No wonder, hindi sila magkasundo-sundo kaya, nauuwi sa pagkatigok sa himpapawid.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top