Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lloydie at Coco, para raw ‘magsyota’ sa rami ng plano (Cedric, ‘di totoong naka-engkwentro rin ng aktor )

Lloydie at Coco, para raw ‘magsyota’ sa rami ng plano (Cedric, ‘di totoong naka-engkwentro rin ng aktor )

ni  Reggee Bonoan

HINDI na nakaiwas si John Lloyd Cruz nang puntahan siya sa backstage pagkatapos ng Q and A sa presscon ng Home Sweetie Home ng ilang entertainment press para tanungin kung kilala niya si Cedric Leena pangunahing suspek sa pambubugbog sa kaibigan niyang si Vhong Navarro.

“Kakilala ko ‘yun kasi nga when I was still with Shaina (Magdayao) parang inabutan ko pa ‘yung relasyon nila ni Vina (Morales), well, I don’t know kung ganoon kalinaw ‘yun.

“Nakikita ko siya sa family gatherings nila (Magdayao), parang on a regular basis, nakikita ko siya,” pag-amin ng binata.

Base kasi sa kumalat na balita ay naka-engkuwentro na rin ni JLC si Cedric dati dahil kay Shaina na umiyak daw pagkatapos nilang maghiwalay ng aktor bagay na hindi raw nagustuhan noon ng dating karelasyon at ama ng anak ni Vina Morales.

Pero hindi namin ito naitanong sa aktor dahil itinanggi na niya ito rati pa at sa tanong kung ano ang masasabi niya sa ginawa naman ni Cedric kay Vhong.

“You know, ayoko ng pahabain pa talaga, ‘coz it’s a very sensitive issue, may kaso na sa korte, so ayoko ng magbigay ng kahit na anong comment.

”Tumatakbo na ‘yung kaso nila, I think it’s best na huwag na lang ako magbigay ng kahit na ano (comment) kasi hindi naman importante , wala naman akong dapat sabihin tungkol d’yan.

“Kasi sensitibong kaso ‘yan para sa kaibigan ko, hindi madali ‘yung pinagdaraanan ng kaso, pinagdaraanan niya, kaya ako naman hindi naman nagkukulang ng pagsabi (paalala) sa kanya na, ‘Ako, nandito ako’, kami nasa tabi niya,” pangangatwiran ng leading man ni Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home.

Regular daw ang komunikasyon nina Lloydie at Vhong at dumalaw na rin siya sa hospital.

“Regular kaming nakakapag-usap.  Kanina (Huwebes ng tanghali), magka-text kami kanina, masaya ako na nakauwi na siya.”

Kung kay JLC nangyari ang sinapit ni Vhong, babalikan din ba niya ang mga taong gumawa sa kanya ng hindi maganda para makuha ang hustisya?

Mabilis na sagot ng aktor, ”oo naman, kasi kahit sinong (tao) nasa tama, I mean hindi naman kinakahiyang sabihin ng kaibigan ko na nagkamali siya sa girlfriend.  Hindi naman siya nagmamalinis, pero hindi naman tama ‘yung sinapit niya, so siya (Vhong) ang nakaaalam…alam kong nagsasabi ng totoo ‘yung kaibigan ko at humahanga ako na pinanindigan niya kasi hindi madali ‘yun, mahirap manindigan, eh, lalo na kapag may kapalit.”

Samantala, nilinaw din ni Lloydie ang tsikang nag-inuman ni Coco Martin kamakailan lang.

“Nagkaroon kasi ng party after ng Trade Event (Enero 30, MOA) at nagkita lang kami roon, so nag-catch up lang, hindi pa kami nagkikita ulit mula noon, eh.  Pero plano naming magkita ulit, dami naming plano, para kaming magsyota,” birong sabi ng aktor.

Sa kabilang banda, sa darating na Araw ng mga Puso, “hinintay ko talaga ang Valentines Day na ito, matagal itong pinag-planuhan, yes on February 14, that’s a Friday, may taping ako (‘Home Sweetie Home’). May taping po kami.”

Huh, wala silang date ni Angelica Panganiban?

“Sabi ko nga, sa buhay namin araw-araw ay parang Valentine’s Day, at saka mahirap ding sumabay, traffic,”salo kaagad ng aktor.

Anyway, nagpasalamat naman si Lloydie sa mga sumusubaybay sa Home Sweetie Home nila ni Toni tuwing Linggo dahil nga pinataob nito lahat ng programang katapat at parating nagte-trending.

“Mataas ‘yung audience share namin kaya maraming-maraming salamat po, hindi namin inaasahan ito, kaya maraming salamat,” sabi ng aktor.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top