Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Allen Iverson darating sa Agosto

Allen Iverson darating sa Agosto

TULOY na ang pagbisita sa Pilipinas ng dating NBA superstar na si Allen Iverson.

Kinompirma ng manager ni Iverson na si Gary Moore na nakikipag-usap siya sa grupo ng import agent na si Sheryl Reyes tungkol sa planong pagdating ni Iverson sa bansa sa Agosto.

Binanggit ni Moore na sinabihan siya ni Reyes tungkol sa pagiging sikat ng basketball sa Pilipinas, lalo na ang mga NBA superstars tulad ni Iverson na dating manlalaro ng Philadelphia 76ers.

Pinabulaanan ni Moore na makakasama ni Iverson ang ilang mga dating superstars ng NBA sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Huling bumisita si Iverson sa Pilipinas noong 1997.

Nagretiro si Iverson sa paglalaro bago nagsimula ang kasalukuyang NBA season.      (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top