Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, kilalang-kilala na ng parents ni Matteo (Kahit ‘di pa personal na ipinakikilala)

Sarah, kilalang-kilala na ng parents ni Matteo (Kahit ‘di pa personal na ipinakikilala)

ni   Eddie Littlefield

DREAM project para kay Matteo Guidicelli ang maging bahagi ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles bilang challenge master dahil pareho niyang magagamit ang passion niya sa hosting at sports.

Isang malaking hamon para sa kanya ang programang ito kasama sina Robi Domingo at Iza Calzado.

Magkasama sina Matteo at Robi sa pagbibigay ng challenges sa 14 pares na bigating Pinoy na maglalaban-laban tungo sa kanilang pangarap na maging fit at magkaroon ng mabuting kalusugan.

“Sobrang excited ako dahil ito ang dream project ko at blessing talaga ang show na ito for me,” sabi ni Matteo.

Single or double ba ang status ni Matteo ngayon? Alanganin siyang sumagot.

“Gusto ko nang sabihin pero I don’t think it’s the right time dahil may dahilan. I want to respect whatever Sarah we have. My family, her family, one day po. I hope tomorrow, I hope now. It’s not up to me, ‘di ba? Gusto ko malinaw lahat, I don’t disrespect anybody.”

Maugong ang balita na nagkakamabutihan na sina Matteo at Sarah. Pero pilit itong inililihim ng dalawa dahil kay Mommy Divine.

Kumusta naman ang relationship ng binata sa parents ni Sarah?

“They’re very good naman. They love their daughter very much. Every mother have their reason, they are very protective. My mom is very protective for me also.”

Hindi rin masagot ni Matteo kung ang parents nito o kay Sarah at kung kailan ‘yung sinasabi niyang right time. ”I don’t know, basta in the right time will see. I don’t want to hide anything. I just want to be honest with you guys so, I won’t say anything. One day, if the right time…”

Sa pagsasalita ni Matteo, tipong si Mommy Divine ang problema kaya maingat ito sa pagbibitiw ng salita tungkol sa kung anumang relasyon mayroon sila ng Pop Princess.”May mga reason kami na I can’t say, you know. Basta one day, everything will be okay.”

Inamin naman ni Matteo na walang ibang babae siyang itine-txt ngayon kung hindi si Sarah at wala ng iba.

“Sarah is very special to me. Isa siya sa inspirasyon ko.”

Sinabi pa ni Matteo na hindi pa napapahon para magsalita siya tungkol sa special relationship nila ni Sarah.

“It’s up to us to decide. I don’t think we’re stepping to anybody as long as we respect everybody. I believe, if you respect people, they respect you back. Respect is very important to me. People who work hard for something, things happen, ‘di ba?”

Para kay Matteo, mahalaga sa kanya ang pamilya. Kailangan boto sila kung sinuman ang babaeng mamahalin niya. ”Siyempre kailangan may approval ang family. If you love somebody, who ever I’m with, I want my parents to love her also.Sarah is a wonderful person, very good.”

Kahit hindi pa naipakikilala ni Matteo si Sarah sa parents nito ikinukuwento naman niya ang Popstar. Pero sinabi ng actor na in the near future ay makikilala rin nila ang dalaga.

“Ako naman bilang isang lalaki kapag nagmahal todo-todo at nandoon ako palagi, ganoon.”

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top