Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Satanas Vs. Juan

Satanas Vs. Juan

Battle of the brains…whahahaha…

May tatlong lalaki ang nasa  jeep.

‘Yung driver, isang guro, at si Juan.

Nawalan ng kontrol ang sinasakyan nila kaya nahulog sila sa bangin.

Noong nagkamalay ang tatlo, nakatayo na si San Pedro at si Satanas sa gilid sa harap nila.

SATANAS:  Dahil napupuno na ang la-ngit, napagkasunduan namin ni San Pedro na limitahan na lang ang papasok dito. Kung sino man sa inyo ang makapagtatanong na hindi ko masagutan nang tama, ‘yun ang karapat-da-pat makapasok sa langit. Kung masagot ko, derecho kayo sa impiyerno. Sinong gustong mauna?

DRIVER: Ako! Ako muna!

SATANAS: Ano ang tanong mo?

DRIVER: Anong araw ako unang nag- drive?

SATANAS: (Nag-isip nang konti) August 2, 1991 boom… nagliyab at biglang nawala ang driver. Sumunod ang guro.

GURO: Ako naman. (nagbigay ng isang napakahabang problem sa math). Nasagutan din nang tama ni Satanas kaya napunta na rin siya sa impyerno.

SATANAS: Ikaw naman Juan.

JUAN: Hmm… sige kumuha ka ng upuan at butasan mo ng 7 butas.

SATANAS: Aba inutusan pa ako … pero sige dahil naiintriga ako sa ipinagagawa mo. (Kumuha si Satanas ng upuan at nilagyan ng 7 butas.)

Umupo si JUAN at umutot sa upuan…

JUAN: Ang tanong ko sa ‘yo… saang butas ako umutot?

SATANAS: (Pinagpawisan) Hmmm… sa ikaanim na butas?

JUAN: Mali… sa butas ng pwet ko, tanga! GO TO UR OWN HELL HAHA

SAN PEDRO: Welcome to heaven JUAN.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top