Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 8-anyos nene utas sa rapist

8-anyos nene utas sa rapist

CAGAYAN DE ORO CITY – Natagpuang patay sa likod ng kanilang paaralan ang 8-anyos batang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa sa bayan ng Manolo Fortich, Bukidnon.

Kinilala ang biktimang si Mai Heart Butigan, mag-aaral ng Manolo Fortich Central School sa nasabing lalawigan.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Delqueen Butigan, nagpaalam sa kanya ang anak na babalik sa loob ng paaralan upang mag-CR ngunit lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin lumalabas ang paslit. Bunsod nito, nag-alala ang ginang kaya agad nilang hinanap.

Ayon sa ginang, makaraan ang tatlong araw na paghahanap ay natagpuan nila ang biktima na malamig nang bangkay sa likurang bahagi ng paaralan.

Malaki ang paniniwala ng pamilya ng biktima na ginahasa muna ang paslit bago pinatay ng hindi nakikilalang suspek.

About hataw tabloid

One comment

  1. google took me here. Thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top