Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Negosyo ni Cedric binubusisi ng BIR

Negosyo ni Cedric binubusisi ng BIR

“WALANG personalan ito at normal lang na imbestigahan siya ng Bureau of Internal Revenue.”

Ito ang pahayag ni BIR Commissioner Kim Henares kasunod ng naging aksyon na busisiin ang mga negosyo ng negosyanteng si Cedric Lee, isa sa mga bumugbog sa aktor na si Vhong Navarro.

”Isa sa mga dahilan nito ay napag-alaman namin na isa sa business partners ni Lee si Tyrone Ong,” pahayag ni Henares.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na ilang dating heneral din ng PNP ang kasosyo ni Lee sa ilang negosyo.

Si Ong ay nakakulong dahil sa mga kasong tax evasion, graft at malversation, ito ang pribadong contractor ng PNP sa ilang proyekto nito.

Ipinaliwanag ni Henares, kung nagbabayad ng buwis si Lee ay wala siyang dapat na ikabahala.                               (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top