Saturday , April 27 2024

‘Holdap Me’ ng messenger buking (Swak sa qualified theft)

NABUKING ang  messenger ng isang kompanya ng Manila Police District (MPD) na “holdap me,” nang marekober ang US$6,600 sa dala niyang motorsiklo, sa  Sta. Cruz, Maynila, iniulat kahapon

Kinilala ang suspek na si Ivan John Español, 23-anyos,  messenger ng Mariveles Grain Corporation, ng 5755 Tramo Street , San Dionisio, Parañaque City .

Ayon kay  P03 Arlando L. Bernardo ng MPD Theft and Robbery Section,  nagreport ang suspek sa kanilang tanggapan na siya’y biktima ng robbery hold-up nitong Enero 20,  sa Escolta, Sta. Cruz, dakong 4:30 ng hapon .

Sa follow-up investigation ni SP01 Jay F. Donato sa nasabing lugar, nalaman niyang walang nagaganap na robbery hold-up sa lugar, ayon sa mga vendor, kaya nahalata ni SP01 Donato nagsinungaling si Español.

Nang mag-inspeksyon si SP01 Donato sa compartment ng motorsiklo ni Español, may plakang UC–557 Honda Dash, doon nakita ang umano’y naholdap na halaga.

Malaki ang pasalamat ni Leah Ferrer y Nacion, 25, legal consultan ng Mariveles Grain Corporation, ng 2 & 3 B-1, BV Romero Blvd., Harbor Center,Vitas,Tondo sa pagkabawi ng naturang halaga ng salapi.

Ang suspek ay kinasuhan ng qualified theft sa tanggapan ng Manila Prosecutors Office.

(leonard basilio/Jason Buan)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *