Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 3 menor na anak ‘pinapak’ ng tatay

3 menor na anak ‘pinapak’ ng tatay

LUCENA CITY – Inilugso ng sariling ama ang puri  ng kanyang tatlong menor de edad na anak na babae makaraang halinhinang gahasain sa Brgy. Poblacion sa lungsod na ito.

Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Lea, 16; Merly, 14; at Jenny 12, residente ng nasabing lungsod.

Ang suspek, si Bernardo Cabral y Mabuti, 46, motorcycle mechanic, ay inireklamo sa himpilan ng pulisya ng kanyang misis.

Sa salaysay ng ginang, nang matuklasan niya ang panggagahasa ng kanyang mister sa kanilang mga anak ay pinagbantaan siyang papatayin kapag nagsumbong sa mga awtoridad.

Agad nagresponde ang SWAT team sa pamumuno ni Supt. Allen rae Co at inaresto ang suspek sa kanilang bahay. (RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top