Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kho scion inutas, GF niluray ng holdapers

Kho scion inutas, GF niluray ng holdapers

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang college student na miyembro ng isang kilalang pamilya nang barilin ng mga holdaper habang ginagahasa ang nobya niyang kolehiyala sa Brgy. Mangan-Vaca, Subic, Zambales, kamakalawa ng madaling araw.

Agad namatay ang biktimang si Jaybhee Kho, 18, anak ng prominenteng angkan, dahil sa tama ng baril sa sentido, habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang nobyang itinago sa pangalang Gwapita, 18, kapwa ng nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong 4 a.m. pauwi na ang magkasintahan nang maisipang dumaan sa nasabing lugar.

Ngunit biglang sumulpot ang mga suspek saka nagdeklara ng holdap. Nanlaban si Kho pero binaril ng mga suspek. Pagkaraan ay ginahasa ang kanyang nobya at binaril sa leeg.

Mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang mahahalagang gamit ng mga biktima.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top