Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagkalalaki ni Arjo, pinagdududahan?

Pagkalalaki ni Arjo, pinagdududahan?

SUPER laugh ang mahusay na teen Actor na si Arjo Atayde sa tsikang may kumukuwestyon sa kanyang pagkakalaki dahil na rin sa napakahusay niyang naging pagganap sa MMK episode na Dos Pordos bilang bading na nagbibihis babae.

Tsika nga ni Arjo, lalaking-lalaki siya if marami raw ang nadala sa kanyang pag-arte bilang bading. Acting lang daw iyon, everytime raw kasing nabibigyan siya ng proyekto ay ibinibigay niya ang kanyang 100% para magampanan nang mahusay ang role na ibinigay sa kanya.

Nagpapasalamat na rin daw ito sa mga taong nag-aakalang bading siya dahil sa napanood ng mga ito ang kanyang MMK episode na ibig sabihin  ay naging epektibo ang kanyang pagganap dahil marami ang naapektuhan nito.

Basta isa lang daw ang masasabi niya, ” Lalaki po ako, hindi po ako bading, babae po ang gusto ko at hindi kapwa ko lalaki ha ha ha,”   natatawang pagtatapos na pahayag ng mahusay na aktor.

(JOHN FONTANILLA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top