Friday , April 26 2024

Sulaiman sumakabilang-buhay na

NAMAALAM na sa mundo ng boksing ang World Boxing Council president Don Jose Sulaiman sa edad na 82.

Si Sulaiman na kinukunsidera na supporter ng  mga Pinoy boxers ay  namatay dahil sa  komplikasyon.

Matatandaang sumalang sa isang major heart surgery sa UCLA Medical Center nitong nakaraang Oktubre ang presidente ng WBC.  At tulad ng isang matapang na matador, matagal na nilabanan ni Sulaiman ang sakit pero nito ngang nakaraang araw ay hindi na niya nakayanan pa at tuluyan nang namaalam sa mundong ibabaw.

Si Sulaiman ay naging WBC president noong Disyembre 1975.  Naging tagapagmana siya ng posisyon na iniwan ni  Justiniano Montano Jr., dating chairman of the Games and Amusements Board bilang president ng pinakaprestihiyoso ngayong boxing organization na ang constitution and by-laws ay nililok ni Rudy Salud, ang siya namang kauna-unahang sec-gen ng organisasyon.

Minsan inamin ni Sulaiman na partikular na paborito niya si Manny Pacquiao na kahit pa napakaraming belts na natipon sa iba-t ibang organisasyon ay mananatiling kampeon siya sa WBC na unang lumikha ng pamosong green and gold belt na napanalunan niya kay Chatchai Sasakul noong Disyembre 3, 1998 sa Bangkok.

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *