Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mendez bagong NBI chief

Mendez bagong NBI chief

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong director ng National Bureau of Investigation (NBI) ang opisyal na nangunguna sa imbestigasyon laban sa hinihinalang rice cartel king na si David Tan.

Si Deputy Director for Regional Operations Virgilio Mendez ang kauna-unahang NBI insider na hinirang ni Pangulong Aquino na mamuno sa kawanihan mula nang maluklok siya sa Palasyo noong 2010.011714 mendez nbi
BAGONG NBI DIRECTOR. Itinalaga bilang bagong NBI Director si Atty. Virgilio Mendez at sumumpa sa tanggapan ni Justice Secretary Laila de Lima. (BONG SON)

Pinalitan ni Mendez si Nonatus Rojas na nagbitiw sa kasagsagan ng imbestigasyon ng NBI sa P10-B pork barrel scam matapos isiwalat ng Pangulo na ilang matataas na opisyal ng kawanihan ang may kaugnayan kay Janet Lim-Napoles.

Si Mendez din ang nangasiwa sa imbestigasyon ng Atimonan rubout case at Cagayan de Oro bombing.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top