Thursday , August 28 2025

Just Call me Lucky (Part 18)

HINDI LAHAT NG MGA BATANG-KALYE AY NAGIGING HOODLUM ANG IBA NAGIGING VENTRILOQUIST

 

Tapos, inilagay ng paslit sa tapat ng noo nito ang dalawang kamay at saka ikinaway-kaway ang mga daliri niyon. At dumila-dila pa ito sa pagsasabi ng “ble-bleee!” sabay sa pagkaripas ng takbo.

Hahabulin sana ng mamang naka-barong ang batang kalye kungdi napaharang sa daraa-nan nito ang isang matandang lalaking nakatungkod, uugud-ugod sa paglalakad at  lampas-baywang ang puro puti nang buhok.

“Kita mo, brod… T’yak na paglaki n’yan, e hoodlum,” ang sabi sa akin ng mamang naka-barong nang balikan ang Bibliya sa lugar na kinainan.

Hindi na lang ako kumibo. Pero isang bahaw na tinig na sa pandinig ko’y nanggaling sa matandang lalaki ang nangaral sa mamang naka-barong ng ganito: “Paano mong iibigin ang iyong Diyos na hindi nakikita gayong ‘di mo magawang ibigin ang iyong kapwa na nakikita.” Teka, paanong nakapagsalita si lolo, e, ‘di ko naman siya nakitang nagbuka ng bibig?

Bunga niyon, narehistro sa mukha ng mamang naka-barong ang panghihilakbot. “Diyos ko, Diyos ko po! Patawad po!” anito sa paluhod na pagpapatirapa sa harap ng matandang lalaki.

Nagulat ang matandang lalaki na isa palang mali-mali. “Ay, pu…ng pitong puta!”

Nagulantang ang mamang naka-barong sa mga katagang isiningaw ng mabahong  bunganga ng matandang lalaki. Dali-dali itong tumayo mula sa pagkakaluhod. Naisip siguro nito na hindi sa bastos na dila nagmula ang mensaheng ‘yun. Umalis ang mamang naka-barong na takang-taka at bubulung-bulong: “D-Diyos ba ang kumausap sa akin? K-kinausap ako ng Diyos… Praise the Lord… Aleluya!”

Nginitian ako ng mamang mukhang rakis-tang kulelat nang makasabay ko sa pag-alis sa burger stand. “Hindi lahat ng batang kalye ay nagiging hoodlum. Ang iba sa kanila ay nagi-ging ventriloquist…”

“V-ventriloquist?… Ano ‘yun?” naitanong ko sa sarili.

“Babay, pogi… Ingatz!” ang sabi ng manikang nakasabit sa likod ng mamang mukhang rakista.

Anting-Anting

Biyernes Santo. Hindi ko alam na uso pa pala sa aming lalawigan dito sa Cavite ang subu-kan ng agimat, anting-anting, kabal, atbp. Dito tinetesting kung talagang may bertud ang taglay na kapangyarihan kuno ng may-hawak nito. Dahil sa masyadong maselan ang isinasagawang  “Tagisan ng Agimat” ay binawalan ang mga batang tulad ko na magmiron. Ayon sa mga saksi ay ganito raw ang nangyari…  (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DigiPlus, nanguna sa 24 7 CX operational powerhouse

DigiPlus, nanguna sa 24/7 CX operational powerhouse

IPINAGPATULOY ng DigiPlus Interactive Corporation, ang puwersa sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at Gamezone, ang …

TESDA

All systems go for WorldSkills ASEAN Manila 2025

The Philippines has put its preparations in high gear for its hosting of the WorldSkills …

Heavens Bakehaus of Iligan City Wins Presidential Award for Outstanding MSMEs with DOST Support

Heaven’s Bakehaus of Iligan City Wins Presidential Award for Outstanding MSMEs with DOST Support

Like a mentor watching their student rise to success, DOST Northern Mindanao is proud of …

Brian Poe Llamanzares Pangasinan

Serbisyong totoo: Brian Poe, nagdala ng ayuda sa mga kababaya sa Pangasinan

San Carlos, Pangasinan — Isang makulay na gabi ng musika at pasasalamat ang idinaos ng …

OGAD Search Committee Conducts Face-to-Face Evaluation for Outstanding GAD Champions

OGAD Search Committee Conducts Face-to-Face Evaluation for Outstanding GAD Champions

THE Search Committee for the Outstanding Gender and Development (OGAD) Champions successfully conducted its in-person …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *