Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Parak Kyusi nilikida

Parak Kyusi nilikida

PATAY noon din ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng isang lalaki habang naglilinis ng kanyang sasakyan sa harap ng kanyang bahay sa Sta. Monica, Novaliches sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Police  Station 4, namatay noon din si SPO1 Miguel Guyagoy, Jr., 55, nakatalaga sa follow-up section ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Babagay, base sa ilang saksi na isang suspek  lang ang natukoy na suspek sa pamamaril.

Sa imbestigasyon, dakong 10:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa harap ng bahay ni Guyagoy sa Ibon Pilak Street, Sitio Aguardiente, Barangay Sta. Monica, Novaliches.

Naglilinis ng kanyang Tamaraw FX ang biktima nang dumating ang suspek nang pagbabarilin ang biktima.

Narekober sa lugar ng krimen ang 10 basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

(Almar Danguilan)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top