Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Puganteng utol ni Napoles tinutugis na

Puganteng utol ni Napoles tinutugis na

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na tuloy pa rin ang pagtugis sa puganteng kapatid ni Janet Lim-Napoles.

Gayunman, aminado ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na tila nawala sa kanilang radar si Reynald Lim.

Sa pagharap sa media ng bagong hepe ng CIDG na si Police Chief Superintendent Benjamin Magalong, sinabi niyang prayoridad nila ang paghahanap kay Lim na nahaharap sa kasong serious illegal detention.

Ito rin ay sa kabila ng P5 milyong pabuya na inilabas ng pamahalaan para sa ikadarakip nito.

Hindi pa naman sigurado ang PNP kung ililinya si Lim sa tinaguriang “Big 5” na kinabibilangan ng mga puganteng sina Jovito Palparan, Delfin Lee, magkapatid na Joel at Mario Reyes at dating Dinagat Rep. Ruben Ecleo.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top