Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Shipyard manager utas sa ambush

Shipyard manager utas sa ambush

PATAY ang shipyard manager matapos tambangan ng hindi nakilalang suspek sa ibabaw ng tulay kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Valentino Aquino, 39, ng #269-E. Costudio St., Brgy. Santulan, Malabon City, sanhi ng isang tama ng bala ng calibre .45 sa likod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3:45 p.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa ibabaw ng Tanza Bridge, Brgy. Tanza ng nasabing lungsod.

Sakay ang biktima ng kanyang Kymco motorcycle (3794-PG) nang tambangan ng hindi nakilalang suspek habang patawid sa nasabing tulay. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek.

Nitong Oktubre, 2013 ay tinambangan din ang biktima ngunit nakaligtas.   (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top