Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Makabuluhang finale ng positive, matutunghayan (Martin, makikilala na ang nagbigay sa kanya ng HIV!)

Makabuluhang finale ng positive, matutunghayan (Martin, makikilala na ang nagbigay sa kanya ng HIV!)

SA wakas, matutunghayan na natin ngayong Huwebes sa Positive ng TV5 kung sino nga bang personalidad ang nakahawa kay Martin Escudero para magkaroon ng HIV.

Matatapos na ang mahabang paghahanap ng kasagutan ni Carlo Santillan (Martin) sa kanyang pagkakatuklas sa pagkatao ng nakahawa sa kanya ng HIV. Habang patuloy na pinipilit mapatawad ang taong ‘nagpabago sa takbo ng buhay’ niya, mapagtatanto ni Carlo na may pag-asa pa kahit siya’y positibo sa HIV at hindi death sentence ang pagkakaroon ng AIDS.

Habang patuloy na lumalaban para patuloy na mabuhay, kakaharapin ng mag-asawang Carlo at Janis (Helga Krapf) ang posibilidad na mahawa rin ang kanilang anak ng HIV (isang posibleng kaso ng mother-to-child transmission). Magiging ligtas kaya ang kanilang anak sa sakit na ito? Tutukan ang kapanapanabik na finale ng Positive ngayong Huwebes, 9:00 p.m. sa TV5!

Sa kabilang banda, nalulungkot naman si Martin dahil matatapos na ang isang makabuluhang serye. Aniya, marami siyang natutuhan dito at sana raw ay ganoon din ang mga viewers na tumututok sa kanila tuwing Huwebes.

Matatapos man ang Positive, hindi roon natatapos ang pagtulong ni Martin sa mga HIV positive. Lagi pa rin siyang nariyan para suportahan ang mga ito at ‘yung mga natutuhan niya habang ginagawa ang serye ay ibinabahagi pa rin niya sa mga kaibigan at kamag-anak.

Sa fans naman ni Martin na nalulungkot dahil sa hindi na nila mapanonood ang binata, huwag malungkot dahil may bagong proyekto siyang inumpisahan na. Masuwerte nga si Martin dahil after Positive, mayroon na agad itong kasunod. Kung ano iyon, ‘yan ang ating abangan dito lang sa Kapatid Network.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top