Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Magsasaka tinaniman ng tingga sa ulo

Magsasaka tinaniman ng tingga sa ulo

CAMP OLIVAS, Pampanga – Bulagta ang isang 42-anyos magsasaka matapos taniman ng limang bala ng 9 mm sa ulo habang nasa bukirin kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pandacaqui, sa bayan ng Mexico.

Base sa report ni Supt. Samuel Sevilla, hepe ng Mexico Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Raul Petrasanta, Central Luzon Police director, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng pagpaslang kay Alfredo Sibal ng Benjamin St., National Housing Authority (NHA) Village, Mexico Pampanga.

Ayon sa Mexico Police, habang inaasikaso ng biktima ang kanyang sakahan dakong 2 p.m. sa Purok 5, Hacienda Camias ay may dumating na dalawang lalaki at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima at pagkaraan ay tumakas lulan ng motorsiklong walang plaka.

(LEONY AREVALO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top