Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 kelot niratrat sa Maynila

2 kelot niratrat sa Maynila

HINIHINALANG onsehan sa droga ang dahilan matapos barilin ang dalawang lalaki ng riding in tandem sa Tondo, Maynila inulat kahapon.

Ginagamot na sa Philippine General Hospital ang biktimang sina Richard Alberto, 28-anyos, binata, walang trabaho, ng 232 Pajati Street, Balut, Tondo, at Ricky Andriatico, 38-anyos, may-asawa, ng 150 Pajati Street, Balut,Tondo, sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang  pagkakakilanlan sa mga suspek na lulan ng ‘di naplakahang motorsiklo, naka-helmet  at armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni Police Supt. Jeffrey Decena, Station commander ng PS1, dakong 12:00 ng tanghali nang pagbabarilin ng tandem ang mga biktima sa Guidote  corner Rodriguez Streets, Balut,Tondo.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top