Sunday , December 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Magtiyahin nagtagaan bulagta pareho

Magtiyahin nagtagaan bulagta pareho

010414_FRONT

PATAY ang 44-anyos ginang at ang kanyang 23-anyos pamangkin matapos silang mag-duelo upang solusyonan ang gusot nila sa lupa sa Bansalan, Davao del Sur, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang magtiyahin na sina Esterlita Landas Tumunas at Jeffrey Lantingan Tumunas, kapwa residente sa bayan ng Sta. Cruz.

Batay sa ulat, dakong 6:30 a.m. nang maganap ang duelo sa Sitio Malipayon sa Brgy. Managa.

Ayon kay Senior Insp. Jeffrey Latayada, hepe ng pulisya sa lugar, kinompronta ni Jeffrey ang kanyang tiyahin hinggil sa pagmamay-ari sa isang bahagi ng lupa sa naturang barangay.

Hindi nagkasundo ang dalawa at nagdesisyon na magdwelo na lamang gamit ang itak.

Namatay si Esterlita sa loob ng kanyang bahay dahil sa mga tama ng taga sa katawan habang si Jeffrey ay nagawa pang makatakbo ng 60 metro ngunit binawian din ng buhay dahil sa taga sa dibdib at tiyan.

ni DANG GARCIA

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top