Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Nene lapnos sa kumukulong Goto

Nene lapnos sa kumukulong Goto

010314_FRONT

SAN FERNANDO CITY, La Union – Patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang 6-anyos batang babae matapos mapaupo sa isang malaking kawa na may kumukulo pa at bagong lutong goto sa isang kasalan sa Brgy. Butubot Este sa bayan ng Balaoan, La Union kamakalawa.

Nabatid na nagtungo ang hindi na pinangalanang biktima sa kanyang ina na nasa kusina na  abalang  nagluluto upang ipakita ang bitbit niyang regalo.

Nadulas ang bata at tuluyan napaupo sa kawa na may laman na mainit na goto.

Agad dinala ng kanilang kaanak ang biktima sa Balaoan District Hospital upang malapatan ng lunas.

Nalapnos ang balat ng biktima dahil sa matinding pagkakapaso.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top