Friday , April 26 2024

Drama sa Barangay Lico

KALIMITAN, magkasangga ang Barangay at Pulis sa pagpapatino ng isang komunidad.

Pero dito sa amin sa Barangay Lico, sakop ng District 2, iba ang nangyari noong Enero 2.   Medyo naging ASTIG itong pulis na si Elmer Cruz.

Madaling araw nang gisingin ang inyong lingkod ni Kagawad Zaldy Vicencio dahil umano’y minura siya ng isang pulis na nagngangalang Elmer Cruz.

Ayon sa reklamo ni Kag. Zaldy,  nasa stage siya ng pagmumuni-muni sa kalungkutan sa paglalamay sa namatay niyang anak nang makarinig siya ng komosyon.   Kahit pa nga namatayan ng anak ay tumugon siya sa tungkulin.

Dinig niya na minura ng TARANTADO ang isa niyang  anak ng Pulis kung kaya pumagitna siya.   At nang magpakilala siya bilang kagawad ng Barangay ay siya naman ang binalingan ng mura ni Cruz.

Ayon sa blotter ng barangay 211 sa  salaysay ni Kag. Zaldy, may hinahabol  itong si Cruz na mga kabataan.  At dahil nga sa hindi naman nakita ng anak ni Kag. Zaldy ang tinutukoy na kabataan ng pulis, siyempre negatibo ang naging sagot nito.   Puwedeng iyon ang nagpainit ng ulo ng Parak.

Nang magpakilala si Kag. Zaldy na opisyal ng Barangay ay ganito raw ang naging sagot ni Cruz:  GAGO PULIS AKO!

Ang maanghang naman na pagmumurang iyon ng pulis ang nagpainit ng ulo ni Kag. Zaldy kung kaya nagkaroon sila ng palitan ng maaanghang na salita.

Maraming tatayong testigo sa nangyari laban kay Cruz.  At handa namang isampa ni Kag. Zaldy ang reklamo sa otoridad.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Cruz ay nakadestino sa PS 7 sa Abad Santos.  Aba’y minsan na tayong may pinunang isang Kapitan doon noong bago mag-election ng barangay dahil sa kabastusan.   May kaalyado pa pala ang damuhong iyon sa kagaspangan ng  ugali?

Tinatawagan natin ng pansin si Supt. Mariano.   Alam kong hindi mo papayagan ang iyong mga kapulisan na magpakita ng kagaspangan sa inyong nasasakupan.  Lalo na’t sa isang opisyal ng barangay.

Bigyan po ninyo ng aral ang nagkamaling pulis, sir!

Alex Cruz

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *