Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, pinaka-importanteng babae kay Daniel

Kathryn, pinaka-importanteng babae kay Daniel

HINDI maidiretso ni Daniel Padilla kung sila na nga ni Kathryn Bernardo, basta ito raw ang importanteng babae ngayon sa buhay niya.

Kahit naman kay Kat ay maraming karakter si Daniel na angat sa ibang bagets diyan.

“Maraming mayroon si DJ (Daniel) na wala ‘yung ibang boys. Hindi siya ‘yung typical guy na pa-cute at conscious sa sarili. Very mysterious siya at astig—medyo bad boy nga,” aniya. “Gusto ko ‘yung pagiging totoo niya. Prangka siyang tao, pero hindi sa masamang paraan. Kung malungkot siya, malungkot siya. Kung galit siya, galit. Hindi siya showbiz,” sey pa ng aktres.

Anyway, pumapangatlo sa box office ang filmfest entry nila na Pagpag. Tuwang-tuwa si Mother Lily Monteverde na nakuha ng horror movie ng KathNiel ang lakas ng Shake , rattle & Roll.

Ito ang pangalawang pakikipagsosyo ni Mother Lily sa Star Cinema tulad ng Adan Ronquillo ni Senator Bong Revilla noong 1993.

‘Yun na!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top