Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pauleen, ikinapikon ang komentong, mukha siyang bakla!

Pauleen, ikinapikon ang komentong, mukha siyang bakla!

LAUGH kami nang laugh nang magtaray si Pauleen Luna sa isang basher.

Na-hurt kasi nang todo si Pauleen when the girl follower commented na mukha siyang bakla. Sa sobrang sakit siguro ng naramdaman niya ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon at kaagad din siyang nag-react.

Nag-comment lang ang babaeng follower matapos niyang makita ang Instagram photo ni Pauleen na mayroong hawak na cup cake na galing sa anak ni Tirso Cruz III. Ayun, sinabihan niyang mukhang bakla ang dyowa ni Vic Sotto.

Nagpaliwanag pa nga ang hitad na hindi naman siya hater ng TV host-actress and that’s she’s telling the truth lang.

Rumesbak si Pauleen at ipinost ang iba’t ibang picture ng babae at nagtaray. ”Hiyang-hiya naman ako sa mukhang bakla mo ‘te,” sabi niya.

Obviously, napikon ang hitad.

Still on Pauleen, ngayong open na ang relasyon nila ni Vic ay maraming photo na ang lumalabas na magkasama sila.

Mayroon kaming nakitang photos na magkasama silang namamasyal sa abroad. Ito raw ang dahilan kung bakit wala sila lately sa noontime show nila.

Pagpapa-sexy ni KC, ‘di planado

Sharon Cuneta was 19 when she gave birth to KC Concepcion so, kahit paano ay may generation gap pa rin sila.

Aminado si KC na, ”turning point sa buhay na we grew up together.”

“May times na ‘yung generation gap namin minsan magkalapit, minsan malayo na, hindi na the same generation talaga so, mayroong times na hindi talaga kami nagkakaintindihan. Pero I think it’s normal sa mag-nanay,” paliwanag ni KC sa presscon ng Shoot To Kill: Boy Goldenstarring Laguna Governor ER Ejercito.

Now that it’s Christmas ay maraming wishes si KC para sa kanyang mother dear.

“Ang wish ko sa kanya ay sana maging successful ang teleserye niya, magkaroon siya ng projects na ikaka-inspire niya kasi love na love niya ang magtrabaho. Para siyang magkakasakit kapag hindi nag-work,” sabi niya.

Nagpaseksi si KC sa Boy Golden as the leading lady of Gov. ER.

Hindi planado ang pagpapaseksi ng dalaga.

“Kung ganoon ang plano form the start siguro po ay nag-change path na ako, pero hindi, eh, nagsimula ako sa wholesome, sa love stories. Parang dumating lang ‘yung sexy roles,” esplika niya.

“Mas free ang ideas ko, hindi siya masyadong nasa safe zone. Hindi naman planado ito, parang dumating na lang ang ganoong project at nagkataon na interested ako,” dagdag pa niya.

La Greta, sinisira ang sarili

WE feel na nag-self destruct si Gretchen Barretto sa ginawa niyang pagbubugar na gusto siyang patayin ng kanyang ama.

In one interview ay sinabi niyang babarilin siya at ang kanyang kapatid kapag tumestigo sila laban kay Claudine Barretto.

Matapang ang pahayag ni La Greta pero nagpapakita ito ng kanyang kahinaan bilang babae.

While she may come out as a very brave woman, sa isang banda ay makikita mong DESPERADA siya na makaganti sa kanyang pamilya. At makikita mo rin ang kawalan niya ng MODO sa kanyang amang nagpalaki sa kanya.

Dahil sa kanyang sinabi ay sirang-sira si La Greta. Sinira niya ang kanyang sarili. Who will trust this woman who will stop at nothing just to destroy her parents that gave her life?

Kung nagagawa ni Gretchen na taray-tarayan ang kanyang ama’t ina, hindi malayong gawin din niya ito sa mga taong hindi naman niya kaano-ano.

Ang dami ngang nagalit nang husto kay Gretchen dahil sa kanyang revelation. At hindi sila naniniwalang capable ang father ni La Greta na magbanta ng ganoon lalo pa’t may edad na ito.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top