Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Shoppers nabulabog sa ’zombie’

Shoppers nabulabog sa ’zombie’

NAGAWANG pangibabawan ng isang lalaking isinilang na iisa lamang ang braso at walang mga binti, ang kanyang kapansanan sa pamamagitan ng nakatutuwang serye ng zombie prank videos.

Sinisindak ni Nick Santonastasso, ang kapansa-nan ay dulot ng rare condition na Hanhart Syndrome, ang mga customer sa New Jersey supermarket.

Naglalagay muna siya ng zombie make-up at hinahabol ang shoppers na nagdulot ng panic.

Isang lalaki ang bigla si-yang hinagisan ng toilet rolls sa matinding pagkabigla, habang isang babae naman ang nagtangkang hatawin siya ng mop handle.

Naglunsad ang mga kaibigan ni Mr. Santonastasso ng online petition na humihiling na siya ay itampok sa hit zombie TV show “The Walking Dead.”

Ayon sa petisyon: “Nick has made the best out of his physical situation and it would be great if he could work as a zombie on an upcoming Walking Dead episode.” (ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top