Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sekyu dedo sa taga sa ulo

Sekyu dedo sa taga sa ulo

PATAY ang isang security guard matapos tagain sa ulo ng hindi nakilalang suspek, habang naka-duty sa trabaho sa Sta.  Mesa, Maynila, iniulat kahapon.

Dead on arrival sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Eduardo Baril, 50, ng Blk 12, Lot 62, Phase 1B, Rodriguez, Rizal.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcon  ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  9:35   ng gabi nang makita ang bangkay ni Baril, sa driveway ng Halina hotel,  nasa 4483 Old Sta. Mesa.

Ayon sa testigo na kinilala sa alyas na Darwin, nakita niyang nakaupo ang biktima sa mono-block, may tumutulong dugo mula sa ulo, kaya agad niyang  ipinaalam sa kanilang supervisor at isinugod sa ospital.

Blanko pa ang awtoridad sa motibo ng pamamaslang.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top