Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Mayweather hindi lalaban kay PacMan

Mayweather hindi lalaban kay PacMan

MAINIT na mainit na pinag-uusapan ngayon ang pagkatalo ni Adrien Broner na tinatayang tagapagmana ng trono ni Floyd Mayweather kay Marcus Maidana nitong Linggo.

Ang carbon copy ni Mayweather pagdating sa istilo sa boksing ay ginulpe sa loob ng 12 rounds ni Maidana para manalo via decision.

Sa pagkatalo ni Broner ay hindi maaalis ang komparison ng mga miron ng boksing sa istilo ni Maidana kay Manny Pacquiao.   At sa labang iyon ay halos iisa ang kongklusyon ng mga miron na ang istilo ni Mayweather ay kayang talunin ng istilo ni Pacman.

Kaya sa huling interview kay Mayweather kung haharapin niya ang hamon ni Pacquiao—negatibo ang kanyang sagot.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top