Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jasmine, iginiit na si Anne ang tunay na Queen of Social Media

Jasmine, iginiit na si Anne ang tunay na Queen of Social Media

JASMINECURTIS-SMITH, Best Supporting Actress in Cinemalaya 2013 for the filmTransit. She’s also the first brand ambassador of Huawei Philippine. Kahit gaano kaabala ang Australian-Filipina actress/commercial model sa kanyang showbiz career, she sees to it that her education is not compromised.

Jasmine is sweet and passionate on everything that she does. Marami rin siyang followers sa Twitter tulad ng sister niyang si Anne Curtis.” Iba ang  followers  niya,  hindi ko pa abot ‘yun, wala pa ako sa kalahati. She’s the Queen of Social Media talaga,” say niya.

Kahit anong intriga ang dumating sa magkapatid na Jasmine at Anne, very supportive sila sa isa’t isa.”Well of course, we’re not the type na laging ‘hoy, ganyan-ganyan’. Silent support kami in terms of social media or when she get home. Sasabihin niya, how is your day? Nangangamusta, or when we found out a certain things, nalaman na niya. Kasi, we’re very close. My management, we have history na. We have personal relationship. When she found out, magugulat na lang ako, hindi ko alam.c Tapos ‘yun, congrats niya ako. Hindi kami OA ‘pag nangangamusta  or anything. ‘Congrats, I’m so happy for you’.‘Yun na, okay na kami and then, may sarili na kaming mundo.”

Kahit may negative issue about Anne, palaging nand’yan si Jasmine to give moral support to her sister Anne, ”I always there to support her. Well of course, I was comforting her at home. Make sure that she knows that I’m there for her. More action and definitely she appreciate and I know she did. She’s very happy person and she’s happy now.”

Kahit magkaiba ng network sina Jasmine at Anne, may kanya-kanya silang career na pinangangalagaan. “Yes, of course, it’s different naman, you cannot have the same thing naman. We have different career path. I’m trying to save my own way and I think, I’m doing it professionally.”

No comment sa sampalan issue

Ayaw mag-comment ni Jasmine tungkol sa issue ng kapatid niya.

Ang tanging nasabi niya, ”I think it’s not my right to speak on the issue. Hindi ako involve, I was not there. Ayaw ko na rin palakihin ang issue, it’s done. She done her part. Everyone done their part, ayaw ko na.”

Feeling ni Jasmine, parang wala namang nangyaring nega sa utol niya. Inamin naman kasi ng actress ang kanyang pagkakamali at nag-apologize na ito sa mga taong nagawan niya ng kasalanan.

Ayon kay Jasmine, tuloy pa rin ang controversial star sa kanyang pagtatrabaho. “She’s a very professional person.What happen to her personal life, hindi niya hahayaang maapektuhan ang kanyang trabaho.”

Christmas with the family

How will you spent your Christmas this year?

“Me and my Mom, will spent Christmas here. Tapos, the day after, home town. Dito magbabakasyon ang mama ko with my brother, with relatives in Pampanga.”

Kahit hindi pa umaamin si Jasmine sa tunay nilang relasyon ni Sam Concepcion, obvious namang may namamagitan na sa dalawa. Inamin ng actress na tanggap ng family niya ang singer/actor.

“Okay naman si Ate. Okay kapag magkakasama kami. Hindi ko pa alam ang plan niya this Christmas. ‘Yun nga kapag may free time, ‘yun. ‘Yun nga, kapag may schedule kami sa work. We make it sure, hindi affected ang trabaho namin. We prioritize our career. We give one hundred percent when we were at work. Wala pa kaming plano ni Sam this Christmas.”

Hindi iiwan ang TV5

Happy si Jasmine sa magandang takbo ng kanyang showbiz career this year 2013. “It was a wonderful roller coaster ride. I’m very very proud that I’m been part of the film ‘Transit’. Hindi  lang sa bansa natin maipalalabas ang movie namin. Maging sa  Hongkong, Singapore, Korea, Israel kasama sa festival. I think, my career is going great. People trusted me with big things, the movie, show and product endorsement. It show, I’m going up my career. People see me my potential even more. Hindi man ako ganoon kalaking artista but It’s a big step for me kung saan ako nagsimula,” pahayag ng young actress.

Proud na sinabi ni Jasmine na hindi niya iiwan ang Singko kahit may offer pa ang ibang network. ”We are talking with TV5, making a film with Ms. Nora Aunor. I’m not sure if it’s independent or mainstream but I’ve been ask by TV5 about it and mention about her. Go na agad ‘yan, what should I say ?Yes, Ms. Nora Aunor ‘yan. Considering her high status also, ‘di ba?”

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top