Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Anak ipinakulong ng ina (Praning kapag lasing)

Anak ipinakulong ng ina (Praning kapag lasing)

“Kaya kong tiisin na nakakulong na lamang siya, bago pa ako ang kanyang mapatay. Dahil sa tuwing lasing at napapangaralan ay galit pa siya at muntik na naman akong paluin ng kahoy!”

Ang halos ayaw tumigil sa pag-iyak na pahayag ng isang 65-anyos nanay, matapos ipakulong ang sariling anak nang tangkain siyang hatawin ng kahoy sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Sa sobrang kalasingan, habang inaaresto ay sinubukan pang manlaban ng suspek na kinilalang si Rodel Gallos, 33-anyos, residente  ng 34 C- Gutierrez St., Brgy. Panghulo.

Ayon sa ilang kasamahan, tuwing malalasing ang suspek ay pinagbabantaan ang sariling ina.      (R. Sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top