Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Sickness energy itaboy

Sickness energy itaboy

ANG East bagua area sa 2014 ay host ng tinaguriang illness star #2. Ang feng shui element ng visiting star ay Earth at ang element ng East bagua area ay Wood. Kung pamilyar ka sa limang element, batid mo na sa pama-magitan ng pagpapatibay ng Wood element, awtomatiko mo namang mapahihina ang negative energy.

Narito ang feng shui tips kung paano manu-neutralize ang challenging 2014 East feng shui energies:

*Maglagay ng Metal element décor cures upang mapahina ang Eart element ng challenging annual star. Maaaring maglagay ng metal singing bowl, halimbawa, ay metal Wu Lou gourd, six Chinese coins, o ano mang metal décor item, mainam kung round/circular shapes.

*Ang east area sa 2014 ay good bagua area rin sa paglalagay ng salt water cure o bowl lamang ng malinis na tubig (tiyaking mananatili itong malinis)

*Iwasan ang Fire element décor items dahil pinalalakas lamang ng Fire energy ang challenging 2014 star na nais mong mapahina (Pinalalakas ng Fire ang Earth element sa star na ito). Iwasan ang strong bright lights sa erya na ito, gayundin ang  prominent triangular shape decor items, at mga kandila.

*Lagyan ng dekorasyon ang East area ng kulay ng Water, Wood at Metal elements (blue, black, brown, green, white, at lahat ng metallic finishes).

Lady Choi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top