Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Numero ni Meneses pinagretiro

Numero ni Meneses pinagretiro

NATUWA ang dating PBA MVP na si Vergel Meneses nang pinagretiro ng Air21 ang kanyang numero 18 na ginamit niya sa paglalaro sa PBA.

Si Meneses ay naging unang manlalaro ng Express na pinagretiro ang  numero kaya naging makulay ang seremonya na ibinigay  ng koponan sa kanya noong Miyerkoles.

Nag-average si Meneses ng 16 puntos, tatlong rebounds at tatlong assists para sa Presto, Sta. Lucia, Swift, Air21 at Red Bull mula 1992 hanggang 2005.

Napili siya bilang MVP ng PBA noong 1995.

Siya ay assistant coach ngayon ng Express at ng Jose Rizal University sa NCAA.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top