Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Miley Cyrus, desperada sa pangungulila

Miley Cyrus, desperada sa pangungulila

DESPERADA sa pangngulila umano ang kontrobersyal na popstar na si Miley Cyrus—at ito’y dahil sa pagkakawalay sa piling ng kanyang da-ting boyfriend na si Liam Hemsworth.

Winakasan ng 21-taon-gulang na popstar at 23-anyos na aktor ang kanilang engagement nitong nakaraang Setyembre makaraan ang apat na taon pagsasama.

Habang na-link din naman silang pareho sa iba, sinasabing naikuwento ni Cyrus ang tunay na damdamin sa modelong si Cara Delevingne na dumalo sa MTV European Music Awards sa Amsterdam kamakailan.

“Determinado si Miley na mag-fun night out kasama si Cara, pero hindi niya napigilang mag-open up sa kanyang heartache kay Liam. Nagulat si Cara sa katapatan ni Miley, ngunit ayon naman sa popstar ay kailangan niyang maalis iyon sa kanyang dibdib,” ulat ng isang insider sa British magazine Closer.

“Inamin ni Miley na nangungulila siya kay Liam at nagpapadala siya ng mga text sa dating kasintahan sa nakalipas na ilang linggo. Inamin din na inimbitahan niya si Liam sa kanyang ika-21 kaarawan, pero hindi sumagot ang binata. Napaiyak na lang si Miley,” dagdag ng insider.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top