Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KC Concepcion, sumabak sa action sa Boy Golden: Shoot To Kill

KC Concepcion, sumabak sa action sa Boy Golden: Shoot To Kill

EXCITED na ibinalita ni KC Concepcion na sumabak siya sa matitinding action scenes sa pelikulang Boy Golden: Shoot To Kill na pinagbibidahan ni Laguna Governor ER Ejercito.

Ibang klaseng experience para kay KC ang pelikulang ito na isa sa entry sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).  Makikita nga sa poster nito na may hawak na baril si KC. Sa teaser naman nito, makikitang talagang kargado ang naturang pelikula sa matitinding action na mula sa pamamahala ni Direk Chito Roño.

Kaya nasabi ni KC na kasama talaga ang mga ganitong proseso sa growth niya bilang aktres. “Siyempre, ayaw ko rin palagi yung pa-tweetums o pa-cute ang ginagawa. Siyempre, babalik at babalik ako doon sa wholesome image.

“Pero rito kasi, napaka-astig, nae-excite akong gawin siya.”

Bago mag-shooting, nakapagprepara naman ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta. In fact, ang kinuha pa rito ni Gov. ER para magturo kay KC sa mga action scenes niya rito ay si Seng Kawee, na fight director din ni Angelina Jolie sa pelikulang Tomb Raider.

Dagdag pa ni KC, “Iyong mga fight scenes namin ay astig, kasi yung nagturo sa amin, yung nagturo kay Angelina Jolie sa States.

“May mga Pilipino rin na nag-supervise sa akin, nag-alaga sa akin, nagturo sa akin ng mixed martial arts. So, marami ring mga astig na fight scenes para sa mga kalalakihan.”

Magkahalong kaba at excitement nga raw ang nararamdaman si KC para sa kanyang unang MMFF movie. “Sobra po akong kinakabahan. Marami po kaming makakasamang pelikula na iba-iba rin ang flavor.”

Bukod sa action scenes, pinag-uusapan din sa Boy Golden ang kissing scene nila ni Gov. ER. Pero nilinaw naman ni KC na maganda ang pagkakuha ni Direk Chito sa nasabing eksena.”Hindi siya parang typical na kilig or ganyan.

“Parang makikita mo talaga yung character ko doon na, ‘May something itong si Marla. Tingnan mo ‘yan.’ Nakakatuwa,” sabi pa ni KC.

Bukod kina Gov. ER at KC, ang Boy Golden ay tinatampukan din nina Eddie Garcia, Tonton Gutierrez, John Estrada, Leo Martinez, Gloria Sevilla, at iba pa. Magsisimula itong mapanood sa December 25.

Julia Barretto, ayaw magpaapekto sa mga taong nega!

AYAW magpaapekto ni Julia Barretto sa magandang vibes nanangyayari sa kanyang career ngayon. Kaya ayaw niyang patulan ang mga bashers na tila napapag-trip-an ang magandang dalaga.

Ang iba raw sa mga bashers ni Julia ay ang mga fans nina Enrique Gil at Julia Montes na tutol sa pagtambal kay Julia (Barretto) ng kanilang idolong si Enrique sa bagong TV series ng ABS CBN na may titulong Mirabella.

“Okay lang e, normal naman iyon e. I don’t mind,” saad ni Julia.

Ayon pa sa anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto, hindi siya naaapektuhan ng mga fans na OA kung mag-react.

“Hindi na ako na-a-affect diyan, hindi ako naha-hurt. First of all it’s normal na sa show business na magka-ganoon (bashers). Second of all, bakit ko papansinin iyon when there are so many supporters and people who are so excited for Mirabella? Mas binibigyan ko ng attention iyon.”

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top