Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Magsisimbang gabi 2 estudyante na-hit and run

Magsisimbang gabi 2 estudyante na-hit and run

TUGUEGARAO CITY – Sugatan ang tatlong estudyante na dadalo sana sa Simbang Gabi kahapon ng madaling-araw matapos banggain ng isang sasakyan ang kanilang sinasakyang tricycle.

Kinilala ang mga biktimang sina Jasmine Mae Justado, 16, residente ng Caritan Centro, Tuguegarao City; Kirsten Jasmine Tablac, 17, ng Claveria; at Kristine Joy Baloran, 17, ng Pamplona, Cagayan.

Patungo sana ang tatlong estudyante sa St. Peter and Paul Cathedral para magsimbang gabi nang sila ay mabangga ng sasakyan. Agad namang dinala ang mga biktima sa pagamutan.

Nananawagan ang mga awtoridad sa mga nakasaksi sa nasabing insidente na ipagbigay-alam sa kanila kung nakuha ang plaka ng sasakyan na nakabangga sa mga biktima upang mapanagot sa batas.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top