Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Bad luck sa 2014 iwasan

Bad luck sa 2014 iwasan

ANG Northwest bagua area ng inyong bahay o opisina ay mayroon ilang challenging energies sa 2014 – ang tinatawag na 5 Yellow Star. Ang feng shui energies na ito ay maaaring magdulot – kung hindi aagapan- ng bad luck.

Sa lengguwahe ng 5 feng shui elements, ang challenging annual star energy ay nabibilang sa Earth element. Kaya ang inyong kailangan upang mapahupa ang negatibong epekto ay gumamit ng feng shui cures na nabibilang sa feng shui elements ng Water of Metal. Bakit? Dahil ang dalawang elementong ito ang magpapahina sa Earth (ayon sa 5 elements feng shui theory).

Narito ang feng shui tips kung paano manu-neutralize ang challenging 2014 Northwest feng shui energies:

*Maglagay ng annual salt water cure. Bilang alternatibo, maaaring maglagay ng bowl ng malinis na tubig (huwag maglalagay rito ng fountain sa 2014).

*Kailangan ng Metal wind chimes o heavy metal ornaments sa 2014. Bilang karagdagan sa 6 rod wind chimes, maaari ring maglagay ng 6 metal Chinese coins, metal o wood Wu Lou, metal bell o bowl na iyong magugustuhan, metal Chi Lin, etc. Ma-ging creative at gumamit ng iba’t ibang metals, katulad ng gold, silver, copper, brass, etc.

*Iwasan ang Fire colors (red, purple, strong yellow, magenta at orange), gayundin ang Earth element colors (sandy and earthly colors). Iwasan din ang Fire element shapes (triangular) at items (candles). Ang inyong 2014 Northwest area décor ay mainam sa Metal and Water colors, katulad ng white at gray (Metal), o blue at black (Water).

*Ang statue of Kwan Yin, ang Goddess of Mercy, o feng shui dragon statue ay mainam din dito. Tiyakin lamang na ang statues na gagamitin ay hindi red color.

*At katulad ng ibang challenging feng shui annual energies, mainam na panatilihing tahimik kung posible ang Northwest area ng bahay o opisina. Ibig sabihin, hindi dapat sa erya na ito ang malakas na musika, TV, maraming aktibidad, etc.

Lady Choi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top