Wednesday , August 27 2025

Ginang niratrat sa ‘huling hapunan’

PATAY ang isang ginang nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, sa loob mismo ng kanyang bahay sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi .

Kinilala ang biktimang si Clotilde Alvarez, agad namatay sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril, sa iba’t ibang parte ng katawan, habang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasama patungong East Service Road.

Ayon kay Parañaque police chief S/Supt. Ariel Andrade, nangyari ang pamamaril dakong 11:20 ng gabi habang kumakain ng hapunan ang biktima sa kanyang bahay sa Toyota St., Culdesac, Barangay Sun Valley.

Nakasakay sa motorsiklo ang suspek, agad bumaba at pumasok sa bahay ng biktima kung saan nag-iisa ito bago pinagbabaril ang ginang na agad nitong ikinamatay.

Nakuha sa tabi ng bangkay ang isang sachet ng shabu, ilang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Agad iniutos ni Andrade ang masusing imbestigasyont sa kaso, kasabay ang pagtukoy sa mga suspek.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

4 tulak dinakma sa Gapan, NE
P1.2-M shabu, 2 loose firearms nasabat

NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1.2-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu at dalawang loose …

Warrant of Arrest

Sa Bulacan
Bebot timbog sa 13 warrant of arrest

ARESTADO ang isang babaeng sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal at kabilang sa most wanted …

Brian Poe Llamanzares Pangasinan

Serbisyong totoo: Brian Poe, nagdala ng ayuda sa mga kababaya sa Pangasinan

San Carlos, Pangasinan — Isang makulay na gabi ng musika at pasasalamat ang idinaos ng …

Arrest Shabu

P.2-M shabu, patalim nakuha sa 16-anyos estudyante sa loob ng eskuwelahan

ISANG estudyante na hinihinalang sangkot sa sindikato na pagpapakalat ng ilegal na droga ang nakuhaan …

Isko Moreno Alvarez St Avenida Joel Chua

Covered court ipinagiba ng congressman
Construction site, heavy equipment ipinakandado ni Yorme Isko Moreno

GALIT na ipinakandado ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga heavy equipment at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *