Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jodi, buntis ng two months?

Jodi, buntis ng two months?

NAPANGITI si Congresswoman Lani Mercado nang tanungin namin siya kung ready na bang bigyan ng apo ulit ni Vice Governor Jolo Revilla.

Nagkaroon kasi ng blind item na umano’y 2 months pregnant si Jodi Sta. Maria pero tinawanan lang ito ng aktres at itinanggi.

“No problem. Basta’t maging maayos naman ang sitwasyon nila, Kumbaga,(ilagay) sa rightful place muna ang lahat,” deklara ni Lani.

Tsuk!

Camille, itutuloy pa rin ang pag-aartista

NGAYONG namaalam na sa ere ang Wowowillie, na naging co-host ni Willie Revillame si Camille Villar, itutuloy pa rin kaya ng dalaga ni Senadora Cynthia Villar ang showbiz career after mag-aral abroad?

Tatanggap pa rin kaya siya ng hosting job kung may offer sa kanya?

Speaking of Sen.Villar, taon-taon ay idinadaos sa World Trade Center ang proyekto niyang Go Negosyo para sa Overseas Filipino Workers (OFW) na ang mga ito ay nabibiyan ng chance na magtayo ng kani-kanilang negosyo. Marami nang OFWs ang natulungan ng proyektong ito ng magiting na senadora.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top