Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ama kritikal sa pukpok ng bato ng anak

Ama kritikal sa pukpok ng bato ng anak

NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang 25-anyos lalaki matapos pukpukin ng bato sa ulo ang sariling ama sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Arnesto Galoso Fernando habang ang kanyang ama ay si Mercado Fernando, 55, kapwa residente ng Brgy. Ayusan 2.

Batay sa impormasyon mula Quezon Police Provincial Office, inawat ng biktima ang kanyang anak na lango sa alak.

Ngunit imbes na magpaawat, pinagbuntungan niya ng kamay ang ama. Itinumba niya at binugbog saka pinukpok ng bato sa ulo ang biktima.

Agad nawalan ng malay ang biktima kaya dinala pagamutan habang tumakas naman ang anak sa hindi malaman na direksyon.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top