Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sekyu ng Maynila utas sa tarak ng padyak boy

Sekyu ng Maynila utas sa tarak ng padyak boy

PATAY ang isang 58-anyos na tauhan ng Manila City Hall security force, matapos  saksakin ng kanyang nakaalitan sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon.

Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Dominador Valdez, security force ng Boys Town, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Nakapiit na sa Manila Police District PS-5, ang suspek na si Benjie Bago, 22, walang asawa, pedicab driver, walang permanenteng tirahan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jonathan Moreno ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 9:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa Mehan Garden, Antonio Villegas St., Ermita.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top