Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jasmine, mas naramdaman ang loved at care sa TV5 (Kaya sa Kapatid muli pumirma ng kontrata)

Jasmine, mas naramdaman ang loved at care sa TV5 (Kaya sa Kapatid muli pumirma ng kontrata)

IT’S final, hindi na lilipat ng ibang TV network si Jasmin Curtis Smith dahil pumirma na siya ng three (3) year exclusive contract sa TV5.

Hindi naman itinanggi ng TV host/actress na may mga offer sa ibang network, “other networks were interested and wanted to talk to me but, as obviously as it looks, I’m with TV5.

“They’re ones who showed the most interest talaga and ‘yun na nga, sabi ko nga, ang tagal kong nawala ‘pag bumabalik naman ako, saglit lang and it’s time na bumawi naman ako (TV5) na wala ako.

“My manager and I heard both other networks (offer) but as I said, TV5 showed the most loved and care talaga, I remained with TV5,” say ng dalaga.

Wala raw kinalaman ang malaking talent fee sa muli niyang pagpirma ng kontrata, “I guess, I would have to say that I felt the contentment with TV5 na I know I’m gonna be good here. And why I leave kung maganda naman ‘yung biyahe ko sa TV5.”

At masaya rin si Jasmin na na-acknowledge ng TV5 ang pag-arte niya, katunayan ay sinabihan siyang highly acclaimed actress.

“Nagulat ako, hindi ko alam talaga and I’m thankful that they recognized my hard-earned skill na ‘yun na nga, nag-improve na ako sa acting ko, I’ve learned to be more aggressive sa trabaho kaya now, they’re (TV5) giving me that title na highly acclaimed actress, fulfilling (naman),” masayang sagot ng dalaga.

Mas magaling daw siyang umarte kaysa ate Anne niya, “well, people had their own opinion and it took ate so long to get where she is now and to have these skills that she has now.

“And advantage ko, si ate is there to guide me, marami akong naka-trabaho na nasa top na tinulungan talaga ako, pero noong siya, nineteen (19) palang, she (Anne) didn’t have that advantages kaya magkaiba talaga kami ng journey ni ate in terms of our career.

“So, I wouldn’t say na mas magaling ako kay ate because I still need to keep on workshop, learning from other actors who have been in the industry longer than I. But if they say that, thank you,” paliwanag mabuti ni Jas.

Samantala, hindi lang magaling mag-host si Jasmin kundi marunong din siyang kumanta pero hindi raw niya pinangarap gayahin ang ate niya.

“Pag nagmo-mall show ako, kumakanta ako, I still sing on the show (‘SpinNation’) enjoy naman ang mga tao kasi they know I don’t sing, okay lang.

“Basta hindi lang ako gagawa ng album, walang ‘JasminBiyosa’ (tulad ng ‘Annebisyosa’) hindi ko kaya, hindi ako ganoon ka-confident,” natawang sabi sa amin.

Paano kung may mag-offer sa kanya ng album din, “sorry, puwede bang kay ate na lang ulit?” sabi kaagad ng nakababatang kapatid ni Anne.

Hindi naman daw talaga sinadya ni Jasmin na huwag gayahin ang ate niya, “wala talaga, magkaiba lang talaga kami ni ate ng gusto, siya talaga matagal na niyang gustong i-pursue ang singing career niya, ako talaga dancing even before pa.

“Nakatutuwa nga kasi people really want to help her, and people who are professional singers acclaimed as actual singers, nag-e-enjoy sila kay ate and part of it’s fun and experience to have,” katwiran pa ng dalaga.

Isang teleserye, pelikula, at hosting job naman ang ilan lang sa pangakong gagawin ni Jasmin sa TV5.

At hindi pala kasama ang SpinNation sa bago niyang kontrata, “the ‘SpinNation’ actually was part of the last contract na we just extended for that show para it’s a clean start with this new contract.

“I’m still adjusting with the ‘SpinNation’ timeslot because 11 o’clock is oras ng tulog ko pero I’m enjoying it and I love the show,” kuwento ni Jasmin.

Suportado siya ng special friend niyang si Sam Concepcion dahil present ito sa studio kapag umeere na kaya tinanong namin kung every week ay pumupunta ang aktor/TV host/singer.

“Hindi naman, he’s there lang when I need him to support me or kung gusto niya, but hindi naman siya obligated na pumunta or bumisita,” kaswal nitong sagot.

Ano nga ba ang real status ngayon nina Sam at Jasmin?

“Basta what you see is what you get,” masayang sabi ng inspirasyon ni Sam.

May plano ba sila ni Sam ngayong holiday season?

“Ako with my family, my mom is coming down, my brother, my ate after Christmas day, I think, we’ll be flying out to Canada but New Year’s hindi pa namin alam ang plano ni Mama, sana sa beach or something.

“Hindi ko alam kung ano ang plans niya (Sam), baka may work din siya or maybe his family is going somewhere else so I’m not too sure kung saan sila.

“And if ever naman na walang lakad ‘yung family ko at family niya, puwedeng maki-ride sa plano ng isa,” napangiting sabi ng taong nagpapasaya kay Sam.           (Reggee Bonoan)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top