Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Grade 5 piningot iniumpog ng titser

Grade 5 piningot iniumpog ng titser

 

TAKOT at umiiyak  na nagsumbong sa magulang ang isang grade 5 pupil, matapos pingutin at iumpog ng kanyang titser, sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Iniimbestigahan na ang titser na kinilalang si Reynaldo Piso, ng M.H. del Pilar Elementary School. Kapag napatunayang nanakit sa estudyante,  maaaring mawalan ng trabaho ang guro.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Edd, umaga noong Miyerkoles, nang pingutin siya ng titser sabay iniumpog sa hamba ng pintuan ng kanilang classroom, dahilan upang humingi ng tulong ang estudyante sa iba pang guro.

Hindi na muna pinapasok ng kanyang magulang ang bata upang hindi madagdagan ang trauma na inabot nito.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top