Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 4 patay sa Aurora landslide

4 patay sa Aurora landslide

PAWANG namatay ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos silang matabunan ng lupa  sa naganap na landslide sa San Ildefonso, Casiguran, Aurora kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Casiguran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, dulot ito ng matinding buhos ng ulan mula pa kamakalawa.

Bunsod ng malakas na buhos ng ulan ay lumambot ang lupa sa bundok ng Brgy. San Ildefonso kaya tuluyan itong gumuho.

Nagkataon nasa ibaba ng bundok ang bahay ng pamilya kaya natabunan ang mga biktima.

Inilikas na ang ibang mga residente sa lugar upang makaiwas sa posible pang pagguho ng bundok.  (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top