Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Robust Economy’ ni PNoy walang epek sa nagugutom na Pinoys

‘Robust Economy’ ni PNoy walang epek sa nagugutom na Pinoys

00 Bulabugin JSY

KAHIT anong pagmamalaki ng administrasyon ni PNOY na gumaganda at lumalakas ang ekonomiya sa kanyang administrasyon, hindi ito mapaniwalaan at maramdaman ng ating mga kababayan lalo na ‘yung mga nabubuhay sa ilalim ng poverty line.

Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), ang 25.2 percent ng populasyon ng bansa ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line.

Ibig sabihin daw n’yan isa sa bawat apat na Pinoy ay namumuhay sa paghihikahos.

Paano sasabihin ng gobyerno ni PNOY na tayo ngayon ay may ROBUST (malusog at  malakas) economy kung mayroong nagugutom at napakalaki ng agwat  ng mahihirap at mayayaman?

‘Yan ang malungkot na katotohanan sa ating bansa.

Ang isang mahirap dito sa Philippines my Philippines ay namamatay na mahirap dahil napakaliit ng oportunidad para umangat ang kanilang buhay.

Anong oportunidad ang ibibigay ng isang programang gaya ng 4ps na walang ginawa kundi pagmukhaing timawa ang isang pamilya sa kanyang komunidad.

Alam natin na ang 4ps ay isang programang maihahalintulad sa isang PISI. ‘Yun bang pag-asang gaya sa ‘gahiblang sinulid’ na anytime ay pwedeng mapatid.

Kapag sinuma ang inilalaan ng gobyerno sa kanilang DOLE-OUT SYSTEM na mga programa, alam nating umaabot din ng BILYON-BILYON ang kwentada.

Pero ang tanong, may IMPACT ba sa kabuhayan ng mahihirap na Pinoy?

Sana lang ay makaisip ng mas masustansiyang programang pangkabuhayan ang mga HENYO boys ni PNOY.

Dahil kung hindi, wala rin siyang ipinagkaiba sa mga naunang Presidente na ‘di hamak na mas magagaling sa kanya.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top