Thursday , September 18 2025

Hagdang Bato nagka-trauma

Inihayag ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na nagka-trauma ang kanyang alagang si Hagdang Bato sa insidente na  naganap sa simula ng laban nito sa nakaraang 2013 PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nang kumustahin ng Kontra-Tiempo si Hagdang Bato kay Mayor Abalos, sinabi  nito na nagkaroon ng trauma ang kanyang alaga dahil sa insidente.

Takot ngayon si Hagdang Bato na pumasok sa starting gate.

Ito ngayon ang kanilang ginagamot matapos ang  aksidente nang tamaan ng hulihang bahagi si Hagdang Bato sa pagbukas ng 1960 starting gate sa simula ng karera ng Presidential Gold Cup Linggo ng Disyembre 1.

Sa isinagawang imbestigasyon inilahad ni mayor Abalos ang kanyang ebidensiya kung bakit tinamaan si Hagdang Bato ng pintuan ng starting gate matapos na tumalbog ito na ikinabisaklat ng kabayo.

Sa kabila nito pinagdiinan ng Board of steward ng Manila Jockey Club na good start ang naganap sa kabila ng pinsalang tinamo ni Hagdang Bato na bumenta ng may P.5 milyon sa takilya.

Ayaw tumanggap ng pagkakamali ang mga board of steward na masasabing naging pabaya at naging iresponsable sa naganap na insidente.

Unang nilinaw ni Abalos hindi niya habol ang premyo, ang gusto lamang niya ay malinawan ng publiko at bayang karerista na hindi nila ipinatalo si Hagdang Bato.

Sa gitna ng pangyayari ay napagbibintangan pa sila na biniyahe o ipinatalo ang kanyang alaga.

Inamin naman ng Board of Steward sa pangunguna ni Johnny Cruz, Jose Fernandez, Joselito Sabat at Rafael Cajigas sa harap ni Chairman Angel Castaño na wala silang nakitang tumamang pintuan ng starting gate kay Hagdang Bato nang una nila itong rebyuhin.

Inamin din ng MJCI na luma at converted ang ginamit na starting gate na gawa pa noong 1960, na mula sa magnetic ay ginawang mechanical machine.

Nag-ugat ang lahat ng ito dahil nakatamaran ng MJCI na gamitin ang bago nilang starting gate sa paglipat mula sa 1,400 meters papunta sa 2,000 meters.

Hindi rin nagustuhan ng alkalde ang sagot ng mga steaward na animo’y nagmistulang inosente sa ginawang pagrebyu na kung naging mabusisi lamang ay puwede ma-scratch ang Hagdang Bato, at naisauli ang taya ng publikong karerista.

Maging si Jose Ramon Magbuo, ang racing manager ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite, na hindi nakakibo hingil sa sinapit ni Hagdang Bato.

Isinalang na kahapon sa lingguhang  board meeting ang isinagawang imbestigasyon at posibleng magpapalabas ng desisyon ngayong araw ang Philippine Racing Commisson. (Philracom).

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas gumulat sa Egypt sa makasaysayang panalo sa FIVB World Championship

IPINAHAYAG ng Alas Pilipinas ang kanilang pagdating sa pandaigdigang entablado matapos ang isang nakakakabog na …

Morally Jockey Alvarez grand slam Metro Turf Prince Cup

Morally, Jockey Alvarez, grand slam sa Metro Turf Prince Cup

BINALEWALA ng tatlong taon na kabayo na si Morally ang malakas na ulan at maputik …

Alas Pilipinas

Espejo, Bagunas, Alas Pilipinas target ang panalo kontra Egypt

DALA ang mas matataas na inaasahan matapos ang hindi magandang simula, inaasahang makakabawi ang Alas …

Alas Pilipinas Bryan Bagunas

Sa FIVB Volleyball Men’s World Championship
Egypt ‘di babalewalain ng Alas Pilipinas

HNDI babalewalain ng Egypt ang first-timer na Alas Pilipinas, naniniwalang may magandang koponan ang host …

2025 FIVB Mens Volleyball World Championhip

Presyo ng ticket sa laro ng volleyball binabaan

I-FLEXni Jun Nardo BINABAAN na ang halaga ng tickets para sa on-going 2025 FIVB Men’s Volleyball …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *