Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 4 MPD station commanders sinibak

4 MPD station commanders sinibak

SINIBAK sa puwesto ang apat na police station commanders  ng  Manila Police District, matapos lumagpak sa itinakdang  performance standard.

Ayon kay MPD Director Chief Supt. Isagani F. Genabe, Jr., kabilang sa mga inilipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO), sina MPD Station 3 commander Supt. Ricardo Layug; MPD Station 5 Commander Supt. Orlando Mirando, MPD Station 8 Commander Amante Daro at MPD Station 11 Wilson Doromal.

Aniya, ang pagtanggal sa apat  ay bunsod ng  rekomendasyon sa binuhay na Seniors Placement Board ng MPD na nagsasagawa ng evaluation  sa lahat ng opisyal ng pulis sa Maynila.

Ani Genabe,  ang relieve order ay resulta ng performance  evaluation rating  na  ginawa ng Personnel Human Resource Development Division sa buwan ng Oktubre at Nobyembre 2013.

“Walang samaan ng loob,  magagaling sila, pero kailangang makuha ang optimum result performance sa mga station commanders,” ani Genabe.

Sinusulat ang balita, si Layug ay pinalitan ni P/Supt. Aldrine Gran; si Mirando ay hinalinhan ni P/Supt Albert Barot; kapalit ni Daro bilang Station 8 Commander si P/Supt Fernando Opelanio, habang si P/Supt. Raymundo Liguden ang kahalili ni Doromal sa Station 1.

Nagbabala rin si Genabe sa natitirang 7  commanders na pagbutihin ang trabaho dahil tuloy-tuloy ang performance evaluation.

“Ang MPD stations 4, 7, 9 commander, ay nanganganib kaya kailangan nilang magtrabaho. Ipinaaalala ko lang sa kanila na wala sa aking bata-bata. Performance-based lagi ang mga desisyon dito sa MPD,” paliwanag ng MPD chief.

Napag-alaman din kay Genabe, may daan-daan pang kaso ng suspension ang nakabimbim sa kanyang tanggapan na sumasailalim  sa evaluation.

“Tuloy-tuloy ang suspension at  relieve hanggang maging malinis ang Maynila at maransan ang glorious days ng Manila’s Finest,” ani Genabe.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top