Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Iwa Moto nakipagbati na kay Jodi Sta. Maria

Iwa Moto nakipagbati na kay Jodi Sta. Maria

IBINALITA kahapon sa Buzz ng Bayan na nakipagbati na si Iwa Moto kay Jodi Sta. Maria. Simula raw ng maging nanay si Iwa ay na-realized nito na hindi tamang nakikipag-away siya kay Jodi. Iisa lang ang ama ng kanilang mga anak na si Mr. Pampi Lacson kaya mas maganda kung magkasundo na sila ng Kapamilya actress. Tinext raw ng sexy actress si Jodi at nag-re- ponsed naman sa kanya at pinadalhan pa siya(Jodi) nito ng Breastfeeding Book. Matatandaang walang sawa noon sa kanyang mga patutsada kay Jodi si Iwa. Pero never siyang sinagot ng actress dahil katuwiran nito wala naman siyang dapat na ipaliwanag dahil alam naman ng ex na si Pampi ang lahat-lahat. Mabuti na lang at gumawa ng move si Iwa, para magkabati sila ni Jodi at least ngayon matatahimik na ang issue at tigil na rin ang awayan. Pero sana, this time ay sincered na si Iwa lalo pa’t wala naman talagang ginagawang masama sa kanya si Jodi. Kung happy sila ngayon ni Pampi kasama ng kanilang anak si Jodi naman ay very contented sa relationship nila ng actor-politician na si Jolo Revilla na mahal na mahal ang anak ng actress kay Pampi na si Thirdy. Peace na gyud!

‘Big Revelation’ sa “Got To Believe,” babago sa relasyon nina Chichay at Joaquin…

‘KATHNIEL MAGIC’ CLICK NA CLICK SA VIEWERS!

Kabataan man o young-at-hearts, wagas kung kiligin sa mga romantic na eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa top-rating primetime TV series ng ABS-CBN na “Got To Believe.” Patunay ng lakas ng ‘KathNiel magic’ sa mga manono- od ay ang gabi-gabing pagwawagi ng programa sa ratings game at pagiging trending topic sa Twitter. Noong Miyerkules (Disyem- bre 4), humataw ng 27.9% national TV ratings ang “Got To Believe.” Base sa datos mula sa Kantar Media, tinalo nito ang dala- wang katapat na serye sa GMA na Adarna (14.6%) at Genesis (12.2%). Naging no.1 nationwide trending topics sa Twitter nang ma- gkakasunod na gabi ang mga hashtag na #G2BByYourSide, #G2BGoodbyeIsNotForever, #G2BBestDayEver, at #G2BBeforeILetYouGo dahil sa mga nakakakilig at nakakaiyak na bonding moments nina Chichay (Kathryn) at Joaquin (Daniel). Sa pagpapatuloy ng fairytale nina Chichay at Joaquin, tiyak na wala nang bibitiw sa pagtutok dahil mas titindi pa ang ‘kilig factor’ sa mga susunod na li- nggo. Paano babaguhin ng ‘magical dust’ ang mga buhay nina Chichay at Joaquin? Anong gagawin nina Juliana (Carmina Villarroel), Jaime (Ian Veneracion), Mama Bear (Manilyn Reynes) at Papa Bear (Benjie Paras) sa sandaling malaman nila na childhood swee- thearts ng mga anak nila ang isa’t isa? Ito na ba ang simula ng happy love life nina Chichay at Joaquin o hudyat ng pagdating mas malaking pagsubok? Patuloy na damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa most romantic series ng 2013, “Got To Believe,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Honesto” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag- log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media accounts ng programa sawww.facebook.com/G2B at www. twitter.com/G2BGottobelieve.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top