Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 6-anyos nene napisak sa delivery van

6-anyos nene napisak sa delivery van

PATAY ang 6-anyos batang babae makaraang masagasaan ng delivery van na may kargang isda habang tumatawid sa kalsada sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Josephine Garganta, ng Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod

Pinaghahap naman ang driver ng delivery van na hindi man lamang huminto upang tingnan o saklolohan ang kanyang biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10:55 p.m. nang maganap ang insidente sa Road 10 ng NBBS.

Tumatawid ang biktima nang hindi napansin ang paparating na delivery van na bumundol at sumagasa sa kanya.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top