Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sexbomb Girls, buwag na?!

Sexbomb Girls, buwag na?!

ANO naman itong nabalitaan naming tuluyan na raw nagkahiwa-hiwalay ang Sexbomb Girls?

Hindi pa namin actually nakokompirma ang isyung ito pero malakas ang tsismis na hindi na raw pipirma ng panibagong kontrata ang buong Sexbomb Girls sa kampo ng kanilang manager na si Joy Cancio.

Tila nag-usap-usap daw ang grupo na hindi na sila magpapatali sa dating manager at magkakanya-kanya na lang daw.

May nagtiktak din sa amin na maaaring may plano na rin daw sa kani-kanilang buhay ang Sexbomb.

Actually, naloka rin kami sa balitang ito dahil ganoon na lang ba kadaling iwan ang isang taong nagbukas ng pinto sa kanila kahit sabihin nating may mga pagkukulang ito? Siyempre, hindi naman natin alam ang totoong dahilan kung bakit ito gagawin Sexbomb Girls sa kanilang manager. Ang pagkakaalam naming, naging maganda naman ang pamamalakad nito sa kanila, ‘di ba? Hindi ba? Naku! Ewan huh!

Kung sabagay, sa showbiz naman sadyang ganyan, minsan ang talent ang nang-iiwan ng manager at minsan naman manager ang nang-iiwan ng talent, hindi ba Leo Bukas?

Dominic Rea

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top